home-banner-1.png

Ang aking pangunahing mission ay ang REBOLUSYUNARYONG PAGBABAGO PARA SA RESPONSABLENG PILIPINO.

Tumatakbo ako bilang senador upang makiisa at samahan ang mga Pilipino sa tatlong bagay:

Pagbabago ng sistema ng pamamahala at sa ating gobyerno,

Pagbabago ng sistema sa ating ekonomiya at pagpapaunlad ng pamumuhay ng ordinaryong Pilipino,

peace.png

At pagpapalawak pa at pagpapanatili ng kapayapaan at hustisya sa ating lipunan.

textured-bg.png
Robin Padilla_1st_Oct 18
Play Video
textured-bg.png

"No man is an island...
Hindi puwedeng ikaw lang, papano naman yung ibang tao?"

Maisasagawa ang ating pangunahing misyon at mga layunin kapag:

 

Naisulong natin at naaprubahan ang PEDERALISMO sa ating bansa at kapag napalakas at naisaayos ang ating mga LOKAL NA PAMAHALAAN

Napalakas natin ang mga negosyong pang masa kagaya ng mga KOOPERATIBA, SOCIAL ENTERPRISES, at iba pang MICRO and SMALL ENTERPRISES. Kasabay nito ang pagbibigay kaalaman at pagpapatalas ng kakayahan tungkol sa ekonomiya at kumikitang kabuhayan pati na ang pagbibigay o pagpapahiram ng puhunan sa mga ordinaryong Pilipino na nais magnegosyo at umangat ang pamumuhay.

Naisabatas natin ang COMMUNITY POLICING at COMMUNITY COURTS. Ayusin natin ang relasyon ng kapulisan at kasundaluhan at ng ating mga komunidad. Bigyan natin ng takbuhan ang mga ordinaryong Pilipino upang mapanagot ang mga autoridad na nagmamalabis o nagpapabaya sa tungkulin.